Ngayong araw, ika-16 ng Nobyember 2022, sinimulan na ang feeding program ng ating lokal na gobyerno sa ilalim ng pamununo ng ating mahal na Mayor Liam S. Cezar katuwang ang MSWD.
Ang priority program na ito ni Mayor Liam ay naglalayon na makapagbigay ng pagkain na may tamang nutrisyon sa ating mga day care pupils. Sa pamamagitan nito, mabibigyan ng pansin ang ating mga mag-aaral na nakakaranas ng malnutrisyon.
Makikita ang kagalakan sa mukha ng ating mga mag-aaral dahil sa kanilang mga natanggap na masarap na pagkain at munting regalo.
Ang pagkakaroon ng tamang nutrisyon ng ating mga mag-aaral ay mahalaga dahil nakakatulong ito sa kanilang paglaki at pagkakaroon ng maayos na kalusugan. Habang bata pa sila, atin silang turuang kumain ng mga masusustansyang pagkain upang sa kanilang paglaki ay makaugalian na nila ang pagkain nito.