Nasa ikaanim na taon na ang pagdiriwang at pamamahagi ng ‘Pamaskong Handog para sa mga Bata’, noong nakaraang Disyembre 25, 2019.Sa pangunguna ng ating butihing alkalde Susan Pagador-Casareno, naipamahagi sa mga bata ang kasiyahan sa pamamagitan ng pagbibigay ng tsinelas bilang regalo, nagkaroon din ng iba’t-ibang kasayahan gaya ng Magic Show, Mascot, Parlor games at nagbigay ng pagkain.