“Remember that the happiest people are not those getting more, but those giving more.” ― H. Jackson Brown Jr.
Ika-6 ng Nobyembre 2022 – Pagbibigay ng munting handog sa Tribu ng Abelling (Aeta) sa bayan ng San Jose, Tarlac sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng PANIDRMI sa ating lokal na pamahalaan.
Mula sa mabuting-puso ng ating mahal na Mayor Liam S. Cezar, nagpahatid ang ating lokal na gobyerno ng mga munting handog para sa Abelling Tribe ng Aeta sa Sitio San Pedro, Brgy. Iba, San Jose, Tarlac City. Ito ay sa pamamagitan ng Humanitarian Mission ng PANIDRMI at ng LGU Rosales.
Ang adhikain na ito ay upang maabot ang ating mga kapatid na Aetas sa lugar na iyon at maipadama sa kanila ang pagmamahal ngayong nalalapit na kapaskuhan. Kasama ang mga Officers at Members ng PANIDRMI at ng ating MDRRMO Team, ang nagpunta at naghatid ng hindi matawarang kaligayahan sa kanila.