Food Truck para sa Feeding Program na sisimulan sa buwan ng Oktubre.
Narito na po ang ating Food Truck para sa Feeding Program natin sa mga Day Care at Elementary Schools ng Rosales. Ito ang isa sa aking mga ninanais na maihandog sa ating mga kababayan. Naniniwala ako na kinakailangan ang tamang nutrisyon at malusog na pangangatawan upang maging maayos ang pag-aaral ng ating mga munting estudyante.
Nilalayon ng ating administrasyon na abutin at mabigyan ng maayos na serbisyo ang lahat ng antas at estado ng ating mga mamamayan. Sisikapin ko na sa aking pamamahala ay mararamdaman ninyo, aking mga minamahal na kababayan, ang gobyernong makatao at magsisilbi para sa tao.