Launching of the Inbred Rice Seed Production and Certification Training for Rosales’ Farmers on August 22, 2022 at RBE Stadium.
Gaya ng nasabi ng ating butihing Mayor Liam S. Cezar na kaniyang bibigyang priority ang ating mga farmers in terms of production and yield, kasalukuyang nagsasagawa ang Municipal Agriculture Office in partnership with the Department of Agriculture – Bureau of Plant Industry ng training para sa ating mga magsasaka. Ang inbred rice seed production and certification ay isa sa programa ng DA na kung saan kanilang iminumungkahi sa ating mga magsasaka ang paggamit ng certified inbred rice seeds sa kanilang mga palayan.
Ang certified inbred rice seed base sa mga pag-aaral ay mas mainam kumpara sa mga ordinaryong seeds. Makakapagproduce ito ng lima hanggang sampung porsyento na mas mataas kumpara sa ordinary seeds. Gayundin, hindi ito madaling kapitan ng mga iba’t ibang sakit ng palay at wala din itong seed-borne diseses. Ang mga butong ito ay kinikilala ng DA na mga high-quality seeds.
Ang training na eto dinaluhan ng thirty-five (35) prospective seed growers ng ating munisipalidad at gaganapin ito hanggang sa ika-26 ng Agosto, 2022. Nawa ay ang mga ganitong programa ay magkaroon ng magandang resulta sa pamamagitan ng positibong pagsasagawa ng mga trainees ng sa gayon maging maayos at masagana ang produksyon natin ng palay sa ating bayan.