“Great leaders don’t set out to be leaders, they set out to make a difference. It’s never about the role, always about the goal.” –Lisa Haisha
Layunin ni Mayor Liam Cezar ang masigasig at masusing paglilinis ng ating public market upang maiparamdam sa ating mga kababayan na mahalaga at masarap sa pakiramdam ang magkaroon ng malinis na palengke. Sa pamamagitan ng pag-initiate niya ng ganitong proyekto, inaasahan din niya ang kooperasyon ng bawat isa sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng ating public market.
Ipinagpatuloy ngayong araw ng linggo, ika-17 ng Hulyo ang clean-up drive sa ating palengke. Ang paglilinis na ito ay kinakailangan upang magawa nating linisin ang iba’t ibang lugar nito. Katuwang ngayong araw ang mga iba’t ibang departamento ng LGU (MENRO, MDRRMO, Engineering, Market, Mayor’s Office, at iba pa); Rosales PNP at BFP; mga mamamayan ng Brgy. Zone 2 at Don Antonio Village sa pangunguna ng kanilang mga Brgy. Officials; gayundin nakilahok ngayong araw ang ating SB Member, Atty. Anafiel C. Cruz; kasama din sa clean-up drive ang mga stall owners; at ilang mga kababayan nating nagboluntaryo upang tumulong. Magpapatuloy ang ating public market clean-up drive muli sa susunod na linggo, ika-24 ng Hulyo 2022.
This project will be successful if the people will learn to value the assistance that is given to them. If all will be responsible citizens, everything will be in order. Kailangan ng ating local na gobyerno ang supporta at kooperasyon ng bawat isa upang hindi na maulit ang maduming kalagayan ng ating palengke. Maging mabuti sana tayong mamamayan at iwasan ang pagkakalat sa ating kapaligiran. Ang ating bayan ay ating pagkakakilanlan, kung marumi ang ating bayan ganundin ang magiging tingin sa atin ng mga taga-ibang lugar. Let us help one another in uplifting our public market’s status. This is not an easy task, it will take a lot of effort and hard work. But we all should take a step forward to be able to reach our goal. Mayor Liam along with other stakeholders already paved way for it, let us work hand in hand with him as he makes Rosales a better place for Rosalenians.