Distribution of 1012 fertilizers to the farmers of Rosales.
November 17, 2022 — the 1012 farmers of Rosales received ammonium sulfate (21-0-0) fertilizers as assistance from the local government. This is just the first batch of scheduled distribution of fertilizers led by our Mayor and the Municipal Agriculture Office.
Isa sa mga adhikain ni Mayor William S. Cezar na tulungan ang ating mga magsasaka at magkaroon sila ng pagkakataon na maingat ang antas ng kanilang produksyon, kung kaya’t ang programang ito ay inilunsad bago magtapos ang taon.
Mahalaga ang ating mga magsasaka, sa kanila nanggagaling ang ating pangunahing pinagkukunan ng inihahain sa mesa ng bawat pamilya. Sa pagbaba ng ekonomiya at pagtaas ng mga bilihin na ating nararamdaman ngayon, isa sila sa labis na naapektuhan kung kaya’t ang ganitong suporta ay may ginhawang hatid para sa kanila. Gaya ng pangako ng ating mahal na Mayor, kanyang bibigyan ng prayoridad ang ating mga magsasaka.
Sa ilang buwan pa lamang na panunungkulan ni Mayor Liam, atin ng nasaksihan ang mga programang kanyang inilunsad at ipinagkaloob sa ating mga kababayan sa iba’t ibang sektor ng pamayanan. Unti-unti nating nararamdaman ang panunumbalik ng sigla sa ating bayan ng Rosales. Asahan natin na sa mga darating pang mga araw, sa loob ng kanyang administrasyon, magkakaroon tayo ng gobyernong para sa tao–gobyernong may GAWA, hindi salita.