Ang Provincial Veterinarian Office ay matagumpay na nagsagawa ng Veterinary Medical Mission sa ating bayan ngayong araw, 26 April 2022. Sinuportahan ang aktibidad na ito ng ating Municipal Agriculture Office, sa pangunguna ng ating Acting Municipal Agriculturist, G. Ben Mendoza, at ng ating butihing Mayor Susan Pagador-Casareno.
Dinaluhan ang aktibidad na ito ng mga pet owners sa ating bayan at ng ating mga karatig bayan.
Maraming salamat sa lahat ng pagsisikap niyo upang maging posible ang mga ganitong aktibidad sa ating komunidad!