December 4, 2022 — the first payout of the educational assistance to our municipal scholars was given today. Each scholar received P6,000.00 as support for the first semester. Hopefully, this aid from our local government will be able to provide for their basic necessities.
Lubos na ninanais ng ating butihing Mayor William S. Cezar na masuportahan ang mga masigasig na estudyante ng Rosales. Dahil dito nadagdagan ang bilang ng mga municipal scholars ng ating bayan. Mula noon huling payout na may bilang ng 491 scholar, ngayon ay mayroon ng 785 scholars kasama na ang mga dati at bagong scholars. As Mayor Liam wanted to maximize the scholarship funds to be given to the deserving scholars, there was a 62.5% increase in number in his administration.
Naiparamdam na ng kasalukuyang administrasyon ang kanyang pagmamahal sa ating mga bata sa pamamagitan ng mga feeding programs na naisagawa sa iba’t ibang paaralan ng Day Care at Elementarya. Kung kaya nais din niyang iparamdam sa ating mga kabataan sa kolehiyo na may gobyernong kakalinga at tutulong sa kanila. Ang programang ito ng ating lokal na gobyerno ay naglalayon na matulungan ang ating mga kababayan na masuportahan ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo. Dala ng kahirapan sa buhay, kadalasan sa mga kabataan ngayon ay hirap ng makatuntong ng kolehiyo lalo pa ang makatapos nito.
Mahalaga ang edukasyon para sa ating butihing Mayor Liam, kaya ninanais niya na matulungan ang mga estudyante upang makapagtapos sila at makapagkamit ng diploma na maari nilang magamit bilang hadgan sa pag-angat ng antas ng kanilang pamumuhay.
Kanyang ipaparamdam sa bawat isa ang gobyernong makatao at para sa tao sa pamamagitan ng mga programa at proyekto para sa lahat ng antas at sektor ng pamayanan.
All for a better Rosales.