Ang Lokal na Pamahalaan ng Rosales ay isa sa mga nakapasa sa DILG Good Financial Housekeeping para sa taong 2018 na inilabas noong Enero 15, 2019. Ang pagsunod ng pagtatasa ay isinagawa ng Kawanihan ng Lokal na Pamahalaang Pinansyal at ng Kagawaran ng Panloob at Lokal na Pamahalaan (DILG). Ito po ay nagpapakita na ang Lokal na Pamahalaan ng Rosales ay mahusay sa paghawak ng pera ng taong-bayan at nagresulta ng napakaraming proyekto na aking ipinatupad mula noong ako’y umupo, mula sa imprastraktura, farm-to-market roads, kalusugan at mga tulong sa ating mga Senior Citizens, Indigent community members, PWDs, mga bata at mga kababayan nating nangangailangan. Mabuhay, Rosales!