Binyagang Bayan sa Rosales ay isang programa na isinagawa upang makatulong sa pagpoproseso ng mga kababayan natin na wala pang birth certificate. Isang adhikain ni Mayor Liam S. Cezar na makatulong sa mga Rosalenians na mabigyan sila ng identification sa pamamagitan ng birth certificate kaya sa simula pa lang ng kanyang termino, nagsagawa na ang Civil Registrar’s Office at Philippine Statistics Authority sa pagkakaroon ng late registration of birth.
Mula sa aktibidad na ito, doon napag-alaman na madami ang mga kababayan natin na wala pang birth certificate gayundin wala din magamit na papeles para dito. Kaya ang pagpapabinyag ang isang paraan upang maituloy ang prosesong kailangan para sa kanilang birth certificate.
Mayroong higit animnapung indibidwal ang nabinyagan sa Iglesia Filipina Independiete noong ika-18 ng Oktubre 2022. Ang ating mahal na Mayor Liam ang kanilang tumayong Ninong na kung saan siya rin ang nag-sponsor ng binyagang bayan na ito.