“A clean place is a safe place.”
Pinangunahan ni Mayor Liam Cezar kasama ang BFP, PNP, MENRO, MDRRMO, Stadium Office, Engineering Office, Barangay Zone 2, Mayor’s Office at ilan pang mga indibidwal, ang Rosales Public Market clean-up drive ngayong araw, ika-10 ng Hulyo, 2022 bilang pagtugon sa matinding pangangailangan na linisin ang ating palengke.
Ang clean-up drive na eto ay naisipan ni Mayor Liam noong siya ay nag-ikot sa palengke sa pangatlong araw niya na umupo bilang alkalde ng Rosales. Kanyang nasaksihan ang madumi, mabaho at hindi kaaya-ayang estado nito kaya minabuti niya na gawin agad ang paglilinis ng palengke. Kasama ng naunang grupo, dumating din ang mga SB Members na sina Topher Coloma, Edith Quiambao at Lito Cariño. Nagtulong-tulong ang bawat isa na gawing malinis at maayos ang ating palengke.
Upang unti-unting malinis ang buong palengke at kapaligiran nito, magkakaroon ng clean-up drive tuwing linggo sa buong buwan ng Hulyo. Nawa ay magtutulong-tulong ang bawat isa hindi lamang sa paglilinis ng ating palengke kundi maging sa pagpapanatili ng kalinisan nito. Tayong mga Rosalenians ay maging responsableng mamamayan sa pamamagitan ng hindi pagkakalat at pagtatapon ng mga basura sa tuwing tayo ay mamamalengke. Ganun din ang mga stall owners ay magkaroon ng disiplina at panatilihing malinis ang paligid nila. Ang munting partisipasyon ng bawat isa at magkakaroon ng malaking epekto kapag pinagsama-sama. Magtulong-tulong tayong lahat para sa ating mahal na Rosales.