Ngayong buwan ng kababaihan, bigyang-diin natin ang mga nagawa ng bawat babae sa ating lipunan. Dapat kilalanin ang mga kababaihan sa kanilang tapang, talino at pangunguna ng pagbabago sa mundo dahil may kakayahan silang gumawa ng mga kahanga-hangang bagay.
Ngayong araw, ika-24 ng Marso 2022, ipinagdiwang ang Buwan ng Kababaihan na pinangunahan ng ating mapagmahal na alkalde G. Susan Pagador-Casareno, Municipal Councilors, at ni Deputy Speaker Conrado M. Estrella III kasama ang ating mga babaeng BHW, BNS, BSPO, KALIPI at KA-SA-MA.
Nawa’y magkaroon ng lakas ng loob ang lahat ng kababaihan na ipahayag at ipaglaban ang kanilang mga hangarin.
Babae ka, hindi babae lang!
Mabuhay ang mga kababaihan!